Welcome
Login / Register

Ano ang Advantages ng paggamit ng Cryptocurrencies? - Part 1

Thanks! Share it with your friends!

URL

You disliked this video. Thanks for the feedback!

Sorry, only registred users can create playlists.
URL


Added Cryptocurrencies

Ano ang Advantages ng paggamit ng Cryptocurrencies? - Part 1

1 Views
Description

Advantages sa paggamit ng Cryptocurrency!

Happy new decade! Last decade, sumulpot ang Bitcoin and the international financial system as we know it will never be the same. Namulat tayo sa mga bagay na hindi natin akalain pwedeng mangyari pagdating sa usaping “PERA”. Sa sobrang bago at kakaiba ng konsepto na ito, maraming hindi pumansin at binalewala lang ito. Ang iba naman ay naloko o nascam dahil dito, habang may maswerteng iilan na nagtagumpay at yumaman dito.

For the past 5 weeks, napag-usapan na natin bakit sa tingin ko kailangan mong mag-invest ng kahit kaunting halaga sa Cryptocurrency. Naniniwala ako na dahil sa write up na iyon, marami sa inyo ang napaisip at nagsabi sa sarili o sa mga kaibigan o kamag-anak na “Yun pala ang Cryptocurrency! Mukhang pWede palang pagkakitaan sa matinong paraan!”

Kaya sa susunod nating topic, alamin natin: Ano ba ang ADVANTAGE sa paggamit nito.

1. SECURITY

Blockchain ang tawag sa technology sa likod ng mga Cryptocurrencies. Ano nga ba ang blockchain at ano ang koneksyon nito sa “SECURITY” na makukuha natin sa Cryptocurrency?

Kaway-kaway sa mga Financial analysts lalo na sa mga Accountants. Ang BLOCKCHAIN ay based sa idea ng Distributed LEDGER. Pero anong pinagkaiba ng traditional Distributed Ledger sa BLOCKCHAIN TECHNOLOGY? SECURITY.

Ganito kasi yan, imbes na iilang tao (o bangko) ang magveverify ng financial transaction mo, milyon-milyong computer ang gagawa nito at Oras na pumasok ang impormasyon mo sa blockchain, hindi na ito pwedeng baguhin o burahin. Kaya halos impossible nang maibalik ang Cryptocurrency na pinasa mo sa ibang tao kung nagkamali ka sa paglagay ng detalye dito.

Dahil dyan, hanggat tama ang ginawa mong transaction, hindi ka mangangamba na baka makuha ng kung sino ang pinadala mong pera sa pamilya mo.

Ganun din naman, dahil sa technology sa likod ng mga Cryptocurrency, Hindi din basta basta pwedeng makuha ng kahit na sino ang perang pinanghahawakan mo hanggat di nila alam kung ano ang “private key” mo.

Bukod pa dito, binibigyan ka din ng proteksyon nito. Paano? Isipin mo na lang, kapag gumagamit ka ng credit card mo, binibigyan mo ng access ang tao o organisasyon na iyon sa iyong “credit line” kahit na maliit lang ang ibabayad mo sa kanila. Kaya nga may dumadating na lang na credit card sa iyo kahit di ka nag-apply, dahil alam ng lahat ng bangko kung okay ang credit history mo. Dito na posibleng mangyari ang identity theft dahil sa dami ng tao na nakakaalam ng pangalan at detalye mo, lumalaki din ang chance mapunta sa mga taong may masamang intensyon ang mga personal details mo.

Sa Crypto kailangan mo lang malaman kung ano ba ang address (o qr code) nila at ipadala sa kanila ang exact amount ng babayaran mo. This is the feature that protects you against fraud, tampering and even identity theft.

Post your comment